Pangulo, bilib sa pagiging disiplinado ng mga hapon

DAHIL sa pagiging displinado ng mga Hapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang makita ito sa Pilipinas tulad ng Japan.
Kung saan pinahahalagahan ng mamamayan ang mga batas at iniiwasan ang paggawa ng mga hakbang na mayroong masamang epekto sa lipunan.
Sa ngayon, disiplina ang kailangan ng bayan dahil ‘yun talaga ang kulang kaya patuloy pa rin ang mga katiwalian.
Ayon kay P-Duterte, nagwagi umano siya na ang plataporma ay ‘law and order’ kaya malaking bagay para sa kanya kung tayong mga Pilipino, eh, sumusunod sa batas at hindi lang puro reklamo, kumbaga, nakikipagtulungan tayo para mangyari ang pagbabago na matagal na nating gustong makamit.
Gayunman, bagama’t, marami sa atin ang pasaway, maniwala tayo na may mga bagay pa ring kayang ipamalas ang mga Pinoy na wala ang ibang basta.
Kaya ang panawagan para sa lahat, hindi masamang magreklamo o magbigay ng suhestiyon o opinyon, basta alam ninyo sa inyong sarili na hindi kayo pabigat o nakadaragdag sa mga problema ng bayan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasosolusyunan.
Pagtutulungan ang kailangan para sa mas maayos at progresibong bayan!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments