top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ANTONIO VS. BERIN SA WSC2 GRAND FINALS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2019
1 min read

MATINDING bakbakan at digmaan ng mga sabong celebrities, baguhan at dayong sultador ang papagitna sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa grand finals ng 2019 World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby ngayong Linggo, Hunyo 2.

Inaabangan ng libu-libong sabungero ang rematch nina 7-time WSC champion Patrick Antonio at 3-time WSC king Frank Berin, na nagtabla sa sultadang may pinakamalaking parada noong Martes. Tatlong entries ang hawak ng mag-amang sabong, idol Patrick at Tony Antonio sa 4-cock grand finals ngayon (Sagupaan Winning Line, 4.5 points at dalawang 4 points).

Liyamado rin ang Team Excellence nina 2019 Pitmasters 220 K Big Event champion Rey Canedo, Cris Sioson, Doc Ayong Lorenzo at Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano (RC Warrior JD, 5 points at EDL Agiar Excellence, 4 points).

Dehado ang bagong saling sina Henry Tubban ng Ilocos (Tabuk Legal Eagles Anonas) at Reynaldo Villanueva ng Laguna (RNK), parehong may 5 - 0 (panalo -talo) kartada habang 4 puntos sina Dr. Bel Almojera ng Florida, USA at Soan Sogianto/HJ Sabri ng Indonesia na suportado ni Niño Yee ng Marikina. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page