top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Umiwas sa Oplan Sita | RIDING-IN-TANDEM TIKLO SA BARIL AT SHABU

  • Maeng Santos
  • Jun 1, 2019
  • 1 min read

BUKING ang baril at shabu ng isang lalaki at angkas nitong babae matapos madakip nang tangkaing takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Reynaldo Castro, Jr., 31, tricycle driver at Janet dela Peña, 33.

Sa nakarating na ulat sa bagong upong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Noel Flores, alas-11:15 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 sa kahabaan ng Mascardo St., Bgy. 140 nang parahin ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nang lapitan ang mga ito ni Pat. Ryan Toledo, biglang pinaharurot ni Castro ang minamanehong motorsiklo subalit, nagawang mahawakan ng pulis ang angkas nito na naging dahilan upang mawalan ng kontrol at bumangga sa nakaparadang container van.

Inalalayan ni Pat. Daryl Villanueva ang mga sugatang suspek saka inaresto at nang kapkapan, narekober sa mga ito ang tig-isang sachet ng hinihinalang shabu at cal. .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page