top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa mga momshie na may anak na ngayon pa lang mag-aaral, read n‘yo ‘to! 6 TANTRUMS TIPS PARA KINA BAG

Justine Daguno
Jun 1, 2019
2 min read

SA unang araw ng pasukan sa esku­wela, panigu­radong halu-halong emos­yon ang mae-experience ng bawat isa. Mayroong ma­saya, excited, medyo hindi pa handa at iba pa.

Kaugnay nito, para sa mga momshie nating may­roong kindergarten na anak, malamang na mahirapan kayo dahil ito ang kanilang unang araw sa school at hindi pa sila ganu’n kadaling iwanan. Kaya, narito ang ilang tips upang madali nating ma-survive ang pagta-tantrums nina bagets:

1. TALK ABOUT EMOTIONS. Ayon sa research ng Rasmussen College School of Education, isa sa pinakamagandang teknik para makontrol ang pagta-tantrums ng mga bata ay ang kausapin sila. Maaari natin itong gawin ilang araw o oras bago sila pumasok sa school.

2. PAY ATTENTION. Kapag alam ninyong may posibilidad na ma-trigger ang inyong anak, makabubuti kung oob­serbahan ninyo ang kanilang mga ikini­kilos nang sa gayun ay mabilis natin itong maso­solusyunan.

3. MASTER THE ART OF DIS­TRACTION. Maaari kayong maghanda o magdala ng paborito nilang pagkain, madali ninyo silang mapatatahan kapag nag-umpisa na silang umiyak. Gayundin, puwede kayong mag-role playing ng ilang sandali kung saan ipakikita ninyo sa kanila ang simpleng pag-“hi” sa tea­cher at sa mga classmate nila, kaya maa­aring mailihis ang kanilang frustration sa positibong emosyon.

4. KEEP EVERYONE SAFE. Sa pagkakataong nagta-tantrums na ang bata, kailangan ninyong siguraduhin ang kanyang kaligtasan, gayundin ang iba. Hangga’t maaari ay ilayo ninyo sila sa appliances, glass window, upuan at iba pang mga bagay na maaaring ma­kasakit kapag nasagi o nabangga ni ba­gets.

5. KEEP YOUR COOL. Huwag kayong sumabay sa kakulitan o pag­wawala ng mga bata, hindi kayo dapat mainis sa kanila, bagkus, dapat sila ang mas iniintindi ninyo. Kailangang relax kayo para hindi ma-pressure at madali ninyo silang mapaka­kalma.

6. PROVIDE A CALM SPACE. Makabubuti kung ilalayo o ilabas ninyo sila pansamantala sa room at doon sila kakausapin. Ipaintindi ang mga bagay-bagay, kumbaga, bigyan natin sila ng space.

Bagama’t, hindi na bago para sa mga guro ang sitwasyon kung saan nagta-tantrums ang mga bata, oks pa rin kung mayroon tayong ideya kung paano ma­ko-cool down ang inyong mga anak nang sa gayun ay hindi masyadong ma­hirapan ang kanilang mga butihing guro. Tandaan, ‘patience is a virtue’, mga mom­shie! Good luck! He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page