RAPTORS, NAGPAKABOG AGAD VS. GSW SA GAME 1


LUMAGARE agad si Pascal Siakam ng team-high 32 points, tanging tatlo sa 17 shots lang ang mintis, habang may 23 puntos si Kawhi Leonard matapos ang mabagal na simula nang manaig agad sa debut game si papa P sa Game 1 NBA Finals ang Toronto Raptors kontra Warriors, 118-109 kahapon.
Makasaysayan kung tutuusin ang tagumpay na ito ng Raptors bagamat hindi pa sanay sa gayung limelight ang mga tropa ni Leonard, iyong maabot ang final stage sa NBA ngayon mula sa nagdaang 25 taon na hindi man lang nakatutuntong sa finale.
Pinasaya ng Raptors ang kanilang homecourt fans sa Scotiabank Arena, Toronto dahil championship round na ang pinasok ng kanilang mga idolo.
Ang Game 2 ay mananatili pa rin sa Toronto sa Linggo. “We’ve got a lot of bodies,” ani Siakam. “We’ve got guys just willing to move and play defense. We use it to our advantage. I think we’re doing a pretty decent job. We made some mistakes but for the most part, we played solid.”
Umiskor si Marc Gasol ng 20 points at may 7 rebounds para sa Raptors bago na-foul sa nalalabing 1:14 minuto. Dumagdag si Fred VanVleet ng 15 puntos at si Danny Green na tahimik sa nakaraang Eastern Conference Finals na may naiambag na 11 puntos.
Namuno si Stephen Curry sa Kevin Durant-less Warriors na may 34 puntos habang si Klay Thompson ay dumagdag ng 21, may triple double si Draymond Green, 10 points, 10 rebounds at 10 assists.
Nakaiskor si Siakam ng 14 points sa third quarter at doon na nagawang kontrolin ng Raptors ang laro. Pero sa panig ng defending champion, Warriors, wagi ng anim na diretsong laro tungo sa Finals, tila nahirapan silang lumider sa scoring. Pahirapan sa Golden State ang kaagahan ng fourth pero salamat kay DeMarcus Cousins na kababalik lang mula sa mahabang pahinga dahil na rin sa injury para sa 90-87 iskor.
Rumesponde si VanVleet, pagkaraan ay dumagdag si Siakam ng dalawang sunod na basket upang bigyan ang Raptors ng 96-87 advantage. Naipasa kay Siakam ni Green ang bola para sa isang wide-open 3-pointer at itarak pa ang 110-98 para sa pinakamalaking kalamangan nila sa laro. (MC)





Comments