PERLAS PILIPINAS, ABANGAN SA FIBA 3X3 U18 WORLD CUP

NAKATAKDANG sumali ang Gilas Pilipinas Women o ang Perlas Pilipinas sa FIBA 3x3 U18 World Cup 2019 na gaganapin sa Ulaanbaatar, Mongolia mula Hunyo 3 hanggang 7.
Matapos ang kampanya ng Gilas sa FIBA 3x3 Asia Cup ay lalahok naman ang mas nakababatang manlalaro na sina Ella Fajardo, Camille Clarin, Angel Surada at Karl Ann Pingol sa kompetisyon. Si Patrick Aquino muli ang magiging coach ng koponan.
Kasama sa Pool C ang Gilas Pilipinas Women at makatutunggali nila ang France, Netherlands, Mongolia at Czech Republic.
Kagagaling lamang sa kampanya ng Gilas Pilipinas Women sa isa ring kompetisyon sa 3x3 kung saan umabot sa quarterfinals ang koponan sa FIBA 3x3 Asia Cup 2019 sa Changsha, China.
Dinaig ang Pilipinas ng Australia sa quarterfinals. Ang Australia rin ang naging kampeon ng torneo.





Comments