top of page
Pokwang.jpg

Ni-lock ng amo ang fire exit habang oras ng trabaho

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Nang mamatay ang aming amo, ang kan­yang anak na panganay na ang pumalit sa kanyang pamamahala sa kanilang negosyo. Ang aming kasalukuyang amo ay masyadong mahigpit sa mga trabahador kung saan ikina­kan­­dado nito ang fire exit ng establisimyento habang nasa oras ng aming trabaho para raw hindi kami makatakas. Nais naming malaman kung maaari ba niyang gawin ito? — Tristan

Dear Tristan,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 8 (f) ng Republic Act (R.A.) No. 9514 kung saan nakasaad na:

“Section 8. Prohibited Acts. - The following are declared as prohibited act and omission.

◘◘◘

(f) Locking fire exits during period when people are inside the building;” (Binigyang-diin)

Samakatwid, mahigpit na ipinagbabawal ng ating batas na ikandado o i-lock ang fire exits ng mga gusali habang mayroong tao sa loob nito at ang paglabag nito ay may karampatang kaparusahan ayon sa batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page