top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ngayong pasukan, kaso ng bullying dapat tutukan!

Ryan B. Sison
Jun 1, 2019
1 min read

PASUKAN na naman, panigu­radong marami sa mga estudyante ang hindi pa handa dahil may ibang nagbabakasyon pa at kinakabahan sa paglipat ng eskuwelahan.

Gayunman, sa ngayon ay nasa 22 kaso na ng cyberbullying ang naitala ng PNP mula noong Enero 2017 hanggang Marso 2019 na kinasa­sangkutan ng mga menor-de-edad sa pamamagitan ng social media at da­­hil pasukan na, malaki umano ang posi­bilidad na mas tumaas pa ang kaso ng bullying.

Kaya nananawagan ang Phi­lip­pine National Police (PNP) sa mga bik­tima at magiging biktima pa na ka­agad lumantad at magsampa ng kaso laban dito nang sa gayun ay ma­imbestigahan at maparusahan ang sinumang gagawa nito.

Samantala, mahalagang mai-re­port sa awtoridad ang kaso ng bul­lying, partikular ang mga kabataan na walang kalaban-laban.

Dagdag pa rito, upang ma­agapan ang pang-aabuso sa loob ng campus, makikipag-ugnayan umano ang PNP sa mga opisyal ng iba’t ibang paara­lan sa buong bansa.

Kaya paalala sa lahat, ang bullying kahit kailan ay hindi dapat ipagsa­walambahala, ito ay dapat tuldukan at tigilan na ninuman!

STOP BULLYING!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page