top of page

Mga sanhi ng pagkakaroon ng bato sa apdo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Dalawa sa aming pamilya ang mayroong gallstone at pareho silang naoperahan na dahil dito. Maaari ba ninyong pakitalakay ang tungkol sa gallstone? Ano ang sanhi nito at sinu-sino ang mga high risk para rito? — Elvira

Sagot

Ang sakit na bato sa apdo o gallstone ay kondisyon ng pamumuo o paninigas ng mga likidong pantunaw ng mga kinain na naiipon o bumabara sa apdo o gallbladder. Ang apdo o gallbladder ay ang maliit na organ na hugis- peras na makikita sa kanang bahagi ng tiyan sa ilalim ng atay. Ito ang nagsisilbing imbakan ng bile juice, likidong tu­mu­tu­long sa pagtunaw ng pag­kain na mula naman sa atay. Ang malalang kaso ng pagba­bara nito ay maaa­ring magdulot ng seryo­song kumplikasyon na manga­ngailangan ng pag­tatang­gal ng apdo ngunit, min­san, maaari ring wa­lang sintomas ang marana­san sa pagkakaroon nito.

Bagama’t, walang mali­naw na sagot kung bakit nabubuo ang bato sa apdo, sa paliwanag ng ilang eksperto, ang pamu­muo raw ng mga bato ay maaa­ring dahil sa mga sumu­sunod:

Narito ang ilan sa mga posibleng sanhi ng pagkakaroon ng bato sa apdo o gallstone:

  • Sobrang cholesterol sa bile. Ang inilalabas na bile ng atay na napupunta sa apdo ay natural na mayroong kasamang cholesterol ngunit, sa ilang pagkakataon, masyadong mataas ang lebel ng cholesterol. Dahil dito, nahihirapan ang bile na tunawin ang lahat ng cholesterol. Kaya naman, ang mga cholesterol na hindi natunaw ay namumuo at tumitigas bilang bato.

  • Sobrang bilirubin sa bile. Ang bilirubin na isa ring kemikal na inilalabas ng atay ay maaari ring sanhi ng pagkakaroon ng bato sa apdo. Tumataas ang produksiyon ng bilirubin sa pagkakaroon ng pagkasira ng atay o cirrhosis at ilang impeksi­yon sa atay. Ang sobrang bilirubin ay nakapagpa­pataas ng posibilidad ng pagkakaroon ng bato sa apdo. Hindi makalabas ang bile mula sa apdo. Kung sakaling hindi makalabas ng maayos ang bile mula sa apdo, may posibilidad na mamuo ito at maging bato sa apdo.

May ilang salik na nakapagpapataas sa posi­bilidad ng pagkakaroon ng bato sa apdo, narito ang ilan sa mga ito:

  • mga edad 60 pataas, partikular sa kababaihan

  • sobra ang timbang o obese

  • mga buntis

  • madalas na pagkon­sumo ng pagkaing may mataas na cholesterol

  • mga taong kulang sa fiber ang pagkain

  • kasaysayan ng pag­kakaroon ng bato sa apdo sa pamilya

  • Pagkakaroon ng sakit na diabetes

  • mabilis na pagbawas ng timbang

  • pag-inom ng mga gamot na pampapayat

Gayunman, ang pag­kakaroon ng bato sa apdo, lalo na kung mapaba­ba­yaan ay maaaring magdu­lot ng pamamaga ng apdo na magdudulot naman ng matinding pananakit sa sikmura. Ito ay maaaring magdulot ng pagbabara sa daluyan ng bile at pancreatic juice na maaari namang magdulot ng mga impeksiyon sa nasabing mga bahagi ng katawan. Bukod pa rito, posible rin na humantong sa pagkaka­roon ng kanser sa apdo kung sakaling hindi maalis ang bumabarang bato rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page