Lumunok ng 246 bags ng cocaine | JAPANESE, DEDO SA EROPLANO
NATAGPUAN ang 246 bags ng cocaine sa tiyan at bituka ng lalaking Japanese na nasa flight mula Mexico patungong Japan.
Ayon sa pahayag ng Mexican officials, lumabas sa autopsy na nilunok ng 42-anyos na biktima ang cocaine at namatay ito dahil sa drug overdose na nagresulta sa cardiac arrest.
Ilang sandali matapos mag-take-off ng eroplanong sinasakyan ng biktima nang ininda nito ang sakit na nararamdaman.
Dahil dito, nag-emergency landing ang eroplano sa airport sa Sonora, Mexico ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.
Nabatid na may habang 2.5 cm. at lapad na 1 cm. ang plastic bag na natagpuan sa tiyan ng biktima.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.





Comments