Estudyante nagbigti sa puno
Pabs Hernandez III
Jun 1, 2019
1 min read
CAMARINES SUR — Isang 21-anyos na estudyante ang sinasabing nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa puno kamakalawa sa Bgy. Loob, Gainza.
Kinilala ang biktima na si ‘Joven’, estudyante at nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa puno sa naturang lugar.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments