Dayuhang bihag ng Sayyaf, todas sa engkuwentro
- Jeff Tumbado
- Jun 1, 2019
- 1 min read

NAPATAY sa engkuwentro ng militar at mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu ang isa sa mga bihag nito na si Ewold Horn, isang Dutch bird watcher.
Kinumpirma ni Colonel Gerry Besana, na narekober ang bangkay ni Horn matapos ang mahigit isang oras na sagupaan sa Sitio Bud Sub-Sub, Bgy. Pansul, kahapon ng umaga.
Alas-7:41 ng umaga habang nagsasagawa ng pagbabarikada ang mga tauhan ng 32nd Infantry Battalion sa lugar nang makasagupa ang tinatayang tatlumpung bandido.
Pinaniniwalaang binaril ng mga bumihag sa kanya si Horn matapos magtangkang tumakas sa gitna ng labanan.
Si Horn ay dinukot sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi noong Pebrero 1, 2012.
Batay sa impormasyon ng militar, may anim na miyembro ng ASG ang napatay sa bakbakan kabilang si Mingayan Sahiron, ang misis ni ASG leader Radulan Sahiron.
Walong sundalo naman ang nasugatan sa insidente na nasa ligtas nang kalagayan.
Patuloy na ang pagtugis sa mga tumakas na bandido.





Comments