top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bus vs. kotse, 2 dedbol

Jeff Tumbado
Jun 1, 2019
1 min read

PATAY ang dalawa katao sa salpukan ng pampasaherong bus at kotse sa Quimpo Boulevard sa Davao City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Melody Sotelo Ybañez, 27, at kanyang kasama na si Janilou Faye Rosales, 21.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng mga biktima ang nasabing lansangan nang mag-counterflow sa linya ng bus.

Nabulaga umano ang mga sakay ng kotse sa papalapit na bus.

Dahil kapwa mabilis umano ang pagpapatakbo ng dalawang sasakyan, hindi na nakaiwas ang mga ito sa salpukan.

Napag-alamang papuntang terminal ang bus habang ang kotse ay papuntang MacArthur Highway.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente habang nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng bus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page