Baby na gusto ng gatas at pumunta sa abroad
- BULGAR

- Jun 1, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Vangie ng Vangie_Jace_Andaya@ facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako ng baby na nasa duyan. Nagising ang baby kaya idinuyan ko siya.
Naghahanap siya ng gatas, kaya tinimplahan ko siya. Tapos, naubos niya ‘yung gatas. Pagkatapos, nag-abroad daw ako.
Ano ang ibig sabihin nito?
Thank you!
Naghihintay,
Vangie
Sa iyo Vangie,
Kitang-kita sa panaginip mo na may inaalagaan ka at ang iyong inaalagaan ay nagpapa-baby.
Ito ay dahil may mga tao, babae man o lalaki na kahit matanda na ay nagpapa-baby pa rin. ‘Yung iba naman ay umaasta na mama’s girls o mama’s boys. Mayroon ding mga matured na naglalambing tulad ng baby.
‘Yung tipong matanda na, pero nagiging makalilimutin o ulyanin na akala ay baby pa siya. Mayroon pang ang kailangan ay alagang pam-baby.
Dahil ang baby sa panaginip ay idinuduyan mo, ibig sabihin, ang inaalagaan mo o ang nagpapa-baby sa iyo ay nakararanas ng “lack of sleep”.
Siya rin ayon sa panaginip mo ay malnourish o kulang sa sustansiya ang katawan.
Ngayong alam mo na ang mga katotohanan sa likod ng iyong mga panaginip, gumawa ka ng paraan para ito ay masolusyunan.
Ang panaginip na mag-a-abroad ka ay isa sa pangarap na gusto mong matupad. Pangarap pa lang ito ngayon at puwede ring kapag muli kang nanaginip, ito ay gagarantiyahan ng matupad.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments