top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ARDINA AT SASO, MAY IBUBUGA SA U.S. GOLF

Eddie M. Paez, Jr.
Jun 1, 2019
1 min read

HINDI kumurap ang mga pambatong lady golfers ng Pilipinas na sina Dottie Ardina at Yuka Saso sa harap ng world class field upang makapagsumite ng even par 71 sa opening round ng prestihiyosong 2019 U.S. Women’s Open Golf Championship sa palaruan ng Charlestone Country Club sa South Carolina.

Bumaybay si Ardina sa karamihan ng mga butas sa pamamagitan ng par performances. Bahagya siyang natapilok sa hole no. 10 nang makapag-uwi ng bogey pero nakabawi sa birdie na naiposte sa sinasabing pinakamahirap na hole no. 13. Ang kartada ng LPGA tour campaigner ay sapat na para sa pang-25 puwesto. Ang iskor ni Ardina, last minute entry bilang alternate mula sa Colorado sectional qualifiers, ay dalawang strokes lang ang layo sa pampitong puwesto.

Nasa ganitong posisyon din ang top amateur ng bansa na si Saso. Ginapangan ng hirap ang front nine ng Fil-Japanese dahil sa bogeys sa hole nos. 1, 2 at 8 kontra sa isang birdie sa panglimang butas. Pero nagawa nitong humataw ng isang eagle sa hole 15 at isang par sa pinangingilagang holes 11 at 13 para maisalba ang even par na iskor. Ang iskor nina Ardina at Saso ay mas mainam sa naiposteng rekord na 1-over-par 72 ni 2018 US Women’s Open titlist na si Ariya Jutanugarn at ni world no. 1 Jin Young Ko sa paligsahang umakit ng pinakamalulupit na 156-parbusters mula sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page