2 bebot huli sa sugal at shabu

ARESTADO ang dalawang babae matapos mahulihan ng shabu habang nakatakas ang isa pa kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Manila.
Kinilala ang mga suspek na sina Crisanta Cinco alyas Naneng, 22, at Janet Faller, 44.
Ayon kina PCpl. Franie Palattao at PCpl. Jerome Mingote, alas-3:35 nang maaktuhan ang mga suspek na nagsusugal.
Nakahalata umano ang kasama ng dalawa kaya agad itong nakatakbo bago pa man nadakma ng mga pulis.
Nang kapkapan, nakuha sa bulsa ni Cinco ang sachet ng shabu.
Nakadetine na ngayon sa MPD-PS 11 ang dalawang suspek.





Comments