top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tips para hindi lumala ang balakubak

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Problema ko ang pag­kati ng aking anit dahil sa balakubak. May naka­pag­sabi sa akin na maaaring nakuha ko raw ito sa pag­pa­pahiram ng hairbrush. Kung totoo ito, ano ang dapat kong gawin? — CJ

Sagot

Balakubak o dandruff ang tawag sa kondisyon kung saan ang balat sa anit (scalp) ay nagtutuklap at nagbabalat sa kadahilanang napabibilis ang proseso ng pagkamatay ng balat. Ang resulta ng mga pagbabalat at pagtutuklap na ito ay ang mga tuklap-tuklap na puti (flakes) na nalalaglag sa buhok na tinatawag na balakubak.

Ano ang sanhi ng balakubak?

Tulad ng marami sa mga tinatalakay natin, hindi pa tukoy ng mga eksperto ang pinakasanhi ng balakubak ngunit, ito ay iniuugnay sa isang kondisyong tinatawag na ‘seborrheic dermatitis’ kung saan malangis o oily ang balat at nagkakaron ng pagkatuklap hindi lamang sa buhok kundi maging sa ilong, kilay at iba pa.

Ang fungus na tinatawag na malassezia ay iniuugnay din na sanhi ng balakubak. Samantala, ang paggamit ng iba’t ibang produkto sa buhok tulad ng hairspray, gel, mousse at sobrang paggamit ng shampoo at conditioner ay posible ring makadaragdag sa pagkakaroon ng balakubak.

Gayundin, ang pagiging ‘stressed’ ng tao ay isa ring posibleng sanhi nito. Gayun­man, sa kabila nito, hindi nakahahawa ang balakubak.

Narito ang ilang paraan na maaaring gawin upang hindi ito lumala:

  • Huwag kamutin ang anit. Hindi mauubos ang balakubak sa buhok sa pagkakamot, bagkus, lalo lang itong darami sapagkat ang pagkakamot ay naka­sisira sa anit na magdudulot ng mas marami pang pagtutuklap.

  • Suriin ang shampoo, conditioner, gel, spray at iba pang mga ginagamit sa buhok. Bawat tao ay may kani-kanyang ipinapahid sa buhok na ‘hiyang’ sa kanila subalit, ang iba rin ay puwedeng makapag-trigger sa pagkakaroon ng bala­kubak. Maaaring pansa­mantalang itigil ang paggamit ng mga ito at gumamit ng mild shampoo (‘yung pang-baby) o palitan ang ginagamit na mga produkto.

  • Bawasan ang paggamit ng shampoo. Minsan, ang sobrang paggamit ng shampoo at conditioner ay puwedeng dumagdag o magpalala ng balakubak.

  • Kung hindi pa gumaling ang balakubak sa pamama­gitan ng unang tatlong hakbang, gumamit ng anti-dandruff shampoo, araw-araw. Tandaan, na hindi na kailangang ikusot ang shampoo sa buhok, sa halip, banayad lamang na ipahid ito sa buhok at ibabad ng 5 minuto bago magbanlaw. Tandaan, dapat may aktibong sangkap ito laban sa balakubak tulad ng salicylic acid, selenium sulfide, ketoconazole at zinc pyrithione.

  • Kung hindi pa rin ito nawawala sa loob ng ilang araw, makabubuti kung ikokonsulta na ito sa dermatologist upang mabigyan ng karagdagang payo tungkol dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page