Talino at diskarte ng Pinoy, dapat suportahan ng gobyerno


ILANG tulog na lang, balik-eskuwela na.
Tiyak, karamihan sa atin ay nakapamili na ng mga gamit ng mga anak habang ‘yung iba ay paunti-unti muna dahil kailangang diskartehan ang budget.
Pero, bago tayo mainis na naman sa kaliwa’t kanang gastusin, kaunting lamig muna at tingnan ang mga nakatutuwang bagay na may kinalamang ngayong pasukan kung saan isang gamit pang-eskuwela na patok ngayon sa merkado.
Ito ay ang mga lapis na may buto na puwedeng itanim kung hindi na ito gagamitin. Tulad din ito ng mga regular na lapis ngunit, sa halip na pambura ang nasa dulo, gelatin capsule na naglalaman ng buto na puwedeng itanim ang narito.
Kamatis, sunflower, carrot, sili, mint at citronella seed, ilan ang mga ito sa mga pagpipilian. Ang nasabing mga capsule ay preservative-free, non-GMO, allergen-free at gluten-free habang ang lapis ay walang lead at gawa sa sustainable wood, graphite, clay at non-GMO na mga buto.
Kapag itinanim ang mga buto, puwede itong lumaki sa loob ng lima hanggang sampung araw, depende sa uri ng buto at nabibili ito sa halagang P20 bawat piraso.
Napakagandang konsepto nito dahil ang lapis ay hindi lamang simpleng gamit pang-eskuwela dahil puwede pa itong mapakinabangan sa ibang paraan. Sana, marami pang ganitong ideya ang mabigyang-pansin, lalo na ng ating gobyerno.
Matalino at madiskarte ang mga Pinoy, kaya nating mag-imbento ng mga bagay na unique at may pakinabang.





Comments