top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PCUP, hatid ay iba’t ibang programa at serbisyo-publiko, panalo!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2019
2 min read

MARAMI ang nagtatanong sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) kung may kapasidad ba itong magbigay ng pinansiyal na ayuda sa mga maralita tulad ng pang-araw-araw na gastusin, scholarships, biktima ng sakuna at iba pang suliranin.

Para sa inyong kaalaman, mas tinututukan ng PCUP ang pagbibigay-tulong sa mga maralita sa pag-access sa mga programa ng gobyerno na mag-aangat sa kanilang pamumuhay tulad ng trabaho o pangkabuhayan, basic services at kasiguraduhan sa paninirahan. Ito ay upang masiguro na ang tulong na maibibigay natin ay hindi lamang panandalian ngunit, tiyak na pangmatagalan at may malaking maidudulot sa kanilang buhay.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Nais kong malaman kung nagbibigay ba ang PCUP ng financial assistance? Maraming salamat! — Beverly

Sagot

Sa ngayon, walang kapasidad ang PCUP na magbigay ng financial assistance ngunit, narito ang ating tanggapan upang tulungan tayong maka-access nito sa pamamagitan ng pagiging direktang tagapag-ugnay (direct link) ng maralita sa gobyerno.

Halimbawa, kung nais magkaroon ng puhunan ng inyong lehitimong samahan para sa livelihood project, tutulungan tayo ng PCUP sa aspetong teknikal upang maisaayos ang ating requirements at makakuha ng nasabing assistance sa mga funding agency tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Kung ito ay tungkol sa medical assistance, ilalapit kayo ng PCUP sa mga ahensiyang nagbibigay nito tulad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at iba pang partner natin na Non-Governmental Organisation (NGO) upang maka-access nito. Minsan, hindi ayuda ang naibibigay bilang assistance ngunit, libreng operasyon, gamot at iba pa na depende sa available services ng partner agency.

Para naman sa scholarship para sa technical-vocational courses, ilalapit kayo ng PCUP sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Kung karagdagang budget sa pang-araw-araw naman ang hanap natin, tutulungan kayo ng PCUP na magkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng ating partner sa DOLE at Findwork PH.

Ang tanging naiaabot nating ayuda ay mula sa pondo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa 18K Interim Shelter Fund kung saan ipinamamahagi ng PCUP ang P18,000 financial assistance sa mga kuwalipikadong pamilya na nakatira sa waterways at nai-relocate.

Bagama’t, hindi pa man sa ngayon makapagbigay ng financial aid ang ating ahensiya, sisiguraduhin nating magsisilbi tayong tulay upang maging maayos ang pamumuhay ng mga kababayan nating maralita.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page