Para sa kapakanan ng kalusugan ng mamamayan; Sin Tax Bill, aprubahan!
- Ryan B. Sison
- May 31, 2019
- 1 min read

MULA noon hanggang ngayon, talamak pa rin ang paninigarilyo at pag-inom, ito ay dahil nakasanayan ng lahat na gawin ito sa tuwing nagkakatuwaan kasama ang barkada o pamilya kaya hind natin masisisi ang ilan kung bakit parte ito ng kanilang buhay.
‘Yun nga lang, nakasasama talaga ito sa ating kalusugan kaya naman nais maipasa ng mga kinauukulan ang ‘Sin Tax Bill’ kung saan kukunin ang pondo na gagamitin sa Universal Health Care na makatutulong naman sa mamamayan na nangangailangan ng tulong para sa kapakanan ng kanilang kalusugan.
Good news ito dahil marami sa ating mga kababayan ang walang kakayahang magpagamot dahil sa problemang pampinansiyal.
Gayunman, hindi naman lubos na ipinagbabawal ang pagtangkilik sa alak at paninigarilyo, pero tataasan ang buwis nito dahil minsan, kinakailangang gumawa ng paraan para rin sa kapakanan ng iba na masyado ng nasosobrahan.
Samantala, dahil may kani-kanya tayong buhay, kani-kanya rin tayo kung paano natin ito gagamitin, pero para sa kapakanan ng karamihan, mainam kung makikipagtulungan ang lahat.
Tandaan, alagaan ang katawan dahil pagdating ng panahon, tayo rin ang mahihirapan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments