Pag-avail ng undergraduate scholarship benefit ng S&T personnel ng DOST

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung kinakailangan ba na ang mga Science and Technology (S&T) personnel ng Department of Science and Technology (DOST) na nag-avail ng undergraduate scholarship benefit ay magbibigay ng serbisyo sa gobyerno pagkatapos nilang maka-graduate? — Patty
Dear Patty,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 1 (1.3), Rule III ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act No. 8439 o mas kilala bilang “Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers and other S & T Personnel in the Government” kung saan nakasaad na:
“Sec 1. Conditions for Scholarships and Grants
◘◘◘
◘◘◘
◘◘◘
3. Recipients of undergraduate scholarships shall, after graduation, be required to render service in the government for the equivalent number of years that they availed of their scholarships. However, in case where there are no available positions in the government, they may be allowed to work in the private sector.” [Binigyang-diin.]
Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas, ang mga S&T personnel ng DOST na nag-avail ng undergraduate scholarship benefit ng nasabing departamento ay kinakailangang magbigay-serbisyo sa gobyerno, katumbas sa rami ng taon na kanilang nakuhang scholarship benefit pagkatapos nilang magtapos dito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments