top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga sangkot sa shabu smuggling imbes na kasuhan, na-promote pa?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 31, 2019
  • 2 min read

MGA ARTISTANG ISINAMA NI P-DUTERTE SA JAPAN, MGA KAPALMUKS!— Ang mga artistang isinama ni P-Duterte sa kanyang biyahe sa Japan ay nag-post sa social media na sila ay sobrang happy habang nasa Japan.

Kapalmuks naman ng mga artistang ito kasi nagawa pa nilang ipagyabang sa social media na sila ay nagha-happy-happy sa Japan gamit ang pera mula sa buwis ng taumbayan, mga buwisit!

◘◘◘

JIMMY BONDOC, NAAAWA SA SARILI, PERO SA MGA MAWAWALAN NG TRABAHO, WALANG PAKI—Pagkatapos humingi ng paumanhin ni Jimmy Bondoc sa grupo ni Angel Locsin na bumatikos sa kanya kaugnay sa post niyang masaya siya kapag naipasara ang malaking TV network (ABS-CBN), ito ang litanya niya, “‘Wag na kayong magalit sa akin ma’am. Talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napakasikat ninyo, wala akong laban! Ako po’y hamak na government employee.”

Sa kanyang sarili ay naawa siya dahil pinuputakti siya ng batikos, pero sa libu-libong mawawalan ng trabaho kapag hindi na ini-renew ni P-Duterte ang prangkisa ng ABS-CBN, hindi siya naaawa, pwe!

◘◘◘

VENER BAQUIRAN, IMBES NA KASUHAN, NA-PROMOTE PA—Nagdududa na si Sen. Panfilo 'Ping' Lacson kung totoo o fake ang “war on drugs” ni P-Duterte kasi ang mga sangkot sa shabu smuggling ay hindi kinakasuhan ng gobyerno at sa halip ay napo-promote pa.

Ang latest na na-promote ay si Deputy Customs Commissioner Vener Baquiran na tulad nina ex-BOC Commissioner Nicanor Faeldon at Commissioner Isidro Lapeña ay nasangkot din sa shabu shipment sa Adwana, buwisit!

◘◘◘

KUNG HINDI PA DUMADA SI SEN. LACSON, DEDMA LANG ANG IMMIGRATION SA CHINESE DRUG LORD—Ayon sa Bureau of Immigration (BI) ay iimbestigahan daw nila ang tinukoy ni Sen. Lacson na si Zhijian Xu alyas Jacky Co, Chinese national na sangkot daw sa puslitan ng shabu sa Bureau of Customs.

Kung hindi pa pala sinabi ni Sen. Lacson na Chinese national ang nagpapasok ng iligal na droga sa bansa, walang imbestigasyong gagawin dito ang mga taga-BI, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page