top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kahit anong black propaganda, wa’ epek | Pagkatalo ng Otso Diretso, senyales na isinusuka na ng taum

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2019
3 min read

SA palagay natin ay makitid ang utak ng sinumang maniniwala pa sa Partido Liberal at iba pang kaalyado nito tulad ng Magdalo Party ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Nabulgar sa sumabog na “Bikoy” video ang pakana ng mga dilawan na pabagsakin ang gobyernong Duterte sa pamamagitan ng ‘black propaganda’.

May mga kaso nang isinampa laban kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na siyang gumawa ng video series na tinawag niyang “Ang Totoong Nar­colist”.

Kumalat sa social media ang mga video na puro kasinungalingan ang pinagsasabi laban kina newly-elected Sen. Christopher “Bong” Go, Paolo “Pulong” Duterte, Manases Carpio at maging ang menor-de-edad na anak ng pangulo na si Kitty ay idinamay din.

Nang nabisto na si Advincula ang “Bikoy” na nasa video, humingi ito ng tulong sa kanyang mga “amo” ngunit, nang itinakwil siya ay sumurender na lang siya sa Philippine National Police (PNP) dahil may natatanggap na raw siyang death threats.

Umamin si Advincula na kinontrata siya ng ilang miyembro ng Partido Liberal, gayundin, si Sen. Trillanes para gawin ang mapanirang video laban sa administrasyon para bumaba ang rating ng mga kandidato ng pangulo sa eleksiyon.

Halatang desperado na ang mga dilawan noong panahong ‘yun dahil kulelat lahat ng kandidato ng “Otso Diretso”, pero anumang video ang ipinagkalat ng dilawan ay wala silang naipasok na kahit isang kandidato sa Senado.

Ang pangyayaring ito ay malinaw na senyales na ayaw na ng taumbayan sa mga dilawang kandidato at sinumang pulitiko na kaalyado ni Sen. Trillanes at ng Pamilya Aquino-Cojuangco.

Wala nang pakialam ang mga botante ng maru­ming politika tulad ng “black propaganda” na mada­las na ipinagkakalat ng mga dilawan.

Sa kabila nito, nakarma si Advincula sa kanyang kriminal na gawain. Nagalit nang husto ang Bicola­nong negosyante na si Elizaldy Co sa mga kasinunga­ling ipinagkalat ni “Bikoy” kaya nagsampa ito ng P1 bilyon demandang libel sa ilalim ng Cybercrime Act.

Isinama rin ni Co sa kanyang demanda ang Google Philippines, YouTube at Facebook dahil hindi nila ibi­nababa ang video kaya napatunayang “fake news” ang ipinagkakalat ni Advincula.

Sa episode 5 ng video series, naglabas si “Bikoy” ng alegasyon na si Co raw ang lider ng drug syndicate sa kanyang rehiyon at ang operasyon daw ay sa loob ng kanyang Misibis Bay Resort.

Ayon kay Co., kasinungalingan ang mga ito dahil sa “black propaganda” ay nasira raw ang kanyang reputasyon at bumagsak ang kanyang negosyo. Ma­laki ang lugi niya at pati raw bangko ay ayaw nang magpautang sa kanya.

Kaya P1 bilyon damages ang hinihingi ni Co kay Advincula at sa iba pang social media com­pany na ayaw tanggalin ang mga video na “fake news” naman.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, si Sen. Trillanes daw mismo ang mastermind ng “Bikoy” videos at kinumpirma ito ni Advincula.

Dapat amyendahan ni Co ang kanyang kasong libel at isama na rin niya si Sen. Trillanes sa listahan ng kanyang idinidemanda.

Patung-patong na kaso ang kahaharapin si Advincula sapagkat mayroon pa itong estafa case na, may warrant of arrest pa mula sa Municipal Trial Court ng La Trinidad, Benguet dahil sa kasong illegal recruitment.

Isa palang ex-convinct si Advincula alyas Bikoy. Ilang ulit na itong nakulong sa New Bilibid Prison pati na rin sa Naga District Jail at Bureau of Corrections (BuCor).

Dagdag pa ni Advincula, ilang buwan din daw nagplano ang LP at si Sen. Trillanes para sa ope­rasyong ito kabilang na ang pagtulong ng mga anti-Duterte blogger tulad ni Ellen Tordesillas ng Vera Files (news-website na tumatanggap ng pondo mula sa mga ahente ng Estados Unidos).

Pinangakuan daw siya ng senador at ng LP ng P500K kapalit ng paggawa at pag-upload nito ng videos sa social media, pero hindi raw siya naba­yaran dahil natalo ang mga kandidato ng “Otso Diretso”.

Ang pangalan diumano ng “plot” nila para pabagsakin ang pangulo ay “Project Sodoma”. Ayon kay Advincula, ang “script” daw ay idinikta ni Sen. Trillanes.

Inamin din ni “Bikoy” na peke ang lahat ng pinagsasabi niya sa mga video.

“Lahat ‘yun ay pawang kasinungalingan. Kasi­nu­ngalingan kasi may plano ‘yung kabilang kampo na magpaputok ng issue para ma-divert ang attention ng tao. Papataas nang papataas ang rating ng administration candidates, samantalang, walang pumapasok sa Otso Diretso candidates,” dagdag pa niya.

Hindi na tayo nagtataka sa isa pa niyang rebe­lasyon tungkol sa isang pari, si Father Albert Alejo raw ang nagpakilala sa kanya kay Sen. Trillanes.

Hindi rin tayo nagtatakang ang mga meeting ni Advincula at ng mga lider ng LP ay ginaganap nila sa loob ng mga unibersidad ng De La Salle at Ate­neo, mga eskuwelahan ng mga elitista na anti-Du­terte.

Ang eskandalo ng “Bikoy” videos ay isang pag­papatunay na palpak at tanga ang mga dilawan.

Sana ay makulong na si Sen. Trillanes, ang be­teranong ‘coup plotter’ at iba pang kasama sa des­tabilisasyong ito para wala nang panggulo at maaari nang matutukan ang pag-unlad ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page