top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hamon sa Comelec | MGA PARTYLIST NOMINEE NA IUUPO, TIYAKING LEGIT

Mylene Alfonso
May 31, 2019
1 min read

NANGANGAMBA ang first nominee ng Senior Citizen Partylist na baka hindi siya iupo ng Commission on Elections bilang representative sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo.

Ayon kay Atty. Godofredo Arquiza, may mga usapan umano na ibang tao ang iuupo sa Kongreso.

Matatandaang, ang nasabing partylist ay nakakuha ng 516,000 votes sapat para sa isang puwesto.

Dagdag pa ni Arquiza, nanalo ng two seats ang Senior Citizen noong 2016 election pero, ang second nominee na si Cong. Francisco Datol at ang third nominee na si Cong. Milagros Magsaysay ang pinaupo sa halip umano ang misis niya na first nominee.

At nitong nakaraang halalan, bukod kay Arquiza, nag-file rin umano ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sina Datol at Magsaysay na kapwa mga first nominee sa kani-kanilang certificates pero, nakapagtataka na tinanggap umano ng ahensiya ang kanilang application.

Si Arquiza ang umupong congressman ng Senior Citizen Partylist noong 14th at 15th Congress mula noong 2007 hanggang 2013.

Ipinakita rin nito sa media ang Securities and Exchange Commission incorporation ng kanilang partylist noong November 6, 2003 at noong 2007, si Arquiza ang nakasaad sa dokumento na pangulo ng naturang grupo.

Siya rin ang iniendorso ng Coalition of Association of Senior Citizens of the Philippines, Inc. na maging representante nila sa Kongreso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page