top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Gimik ng mga nag-aambisyong maging House Speaker, buking!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2019
2 min read

PERSONAL na kina­usap ni P-Digong nang magka­ka­sabay ang tatlong aspirante sa pagka-Speaker sa Kamara.

Gumagrabe kasi ang sitwasyon!

◘◘◘

KAPAG hindi maareg­lo, madadamay sa gusot ang administrasyong Duterte.

Kinumpirma mismo ng isa ring aspirante na si Rep. Pantaleon Alva­rez na may “milyun-milyong pisong” mani­obra sa girian ng Speakership!

◘◘◘

SA pinakahuling ulat, umabot na sa P2 milyon ang alukan sa kada boto sa Kamara.

He-he-he!

◘◘◘

PINAGLALARUAN sa social media ang identity ng dalawang “bigtime aspirants”.

Pero, sa totoo lang, bistado na sila!

◘◘◘

PUMIRMA sa isang manifesto si “Cong no.1” at may P500K ang lalagda kahit walang commitment.

Meaning, puwedeng magpalit ng boto at malaya ito sinuman ang paborang aspirante.

Kumbaga, simpleng “pautot” lang muna!

◘◘◘

IBA naman ang gimik ni “Cong. no. 2”, dinoble niya at ginawang P1 milyon.

Pero, kailangan bu­mo­to siya ng pabor, pero titiyakin muna nitong bibigyan ng pork barrel kahit ang mga hindi pumanig sa kanya!

◘◘◘

SI “Cong. no.2” ay umaasam ng suporta sa anak ng “Big Boss”.

Sa ibang internet post, tinutukoy siyang may super bigtime finan­ciers!

◘◘◘

AYAW magpadaig si “Cong. no.1” kaya nag­dagdag nang triple sa kanyang alok at ginawang P2 milyong “taya” kada boto.

Malinaw na “pera-pera” ang Speakership.

Maaaring ito ang nag­tulak kung bakit pinulong nang personal ni P-Digong ang mga aspirante!

◘◘◘

MARAMI ang nagdu­duda kung saan manggaga­ling ang bilyong pisong “maniobra” ng 2 aspirante.

Napagitna na rin sa isyu ang dambuhalang korpo­rasyon na kaliwa’t kanan ang “unsolicited proposal” na umaasang pa­boran ng mga mam­babatas!

◘◘◘

SULIT kasi ang gagas­tusing bilyones, makopo lamang ang Speakership.

Puwedeng kumandi­da­­tong senador ang speaker sa 2022 Presidential Elections!

◘◘◘

NGAYON, isa nang engrandeng gradas sa isang tupada ang Kamara.

Isang subasta ito na nilalahukan ng mga bu­wayang namumuwalan ng “dirty money”sa kanyang bunganga!

◘◘◘

MAHABAGING langit, magdasal tayong maitama ng pagpili ang mga kongre­sistang nag­wagi sa nagdaang eleksiyon.

Ang problema, kaila­ngan mabawi nila ang ginastos sa pambili ng boto sa mga naghihi­kahos na mga botante!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page