EL MUNDO, DEHADO

AALAGWA ngayong gabi ang Condition Race, 3 Year Old & Above Maiden Race at Group Race (9) sa anim na karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Kinabibilangan ng apat na Condition Race, Isang 3 YO & Above Maiden Race at isang Group Race ang mga maglalaban sa anim na aalagwa sa naturang karerahan.
Sa Race 1, nakalalamang ang Lucky Julliane sa mga kalaban na Diamond’s Best, Golden Octagon at Significant Play sa simula ng Pick 6. Sa Race 2, magsisimula ang Pick 5 kung saan nakalalamang ang couple entry na Genie Hello at The Whole Truth habang magsisilbing kalaban ang Sharp Mover at Super Inday.
Mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Shinshiro, Miss Marshall, Golden Casino at couple entry na Lady Zip at Royal Jewels sa Race 3 na magsisimula ng Pick 4 event.
Sa Race 4, nakalalamang ang Couple entry na Indelible Quaker at Spring Away habang magsisilbing kalaban ang Dauntless, couple entry na Musikera, Mandolin at Isa Pa Isa Pa. Nakalalamang ang ILove Jane, habang ang Foolish Heart ay magsisilbing kalaban at ang El Mundo ay mainam na dehado.
Magsisilbing parating sa Pick 6, Pick 5, Pick 4 ang Boom Boom Thailer habang magsisilbing kalaban ang No Matter What at Mahilig. Tip ni Mang Ding: Race 1-Lucky Julliane (5) Diamod’s Best (3) Race 2-Entry No.2 Super Inday (1) Race 3- ShinShiro (5) Miss Marshall (7) Race 4- Entry No.2 Entry No.3 Isa Pa Isa Pa (1) Race 5- El Mundo (4) ILove Jane (7) Foolish Heart (6) Race 6- Boom Boom Thailer (2) Mahilig (6)





Comments