8 yrs. old inumpog sa pader, sinakal, sinaksak | MAKULIT NA APO, PATAY KAY LOLO
- Jeff Tumbado
- May 31, 2019
- 1 min read

NABURYONG kaya hindi napigilang sakalin ng 56-anyos na lolo ang kanyang 8 taong gulang na apo sa Isabela, Negros Occidental.
Boluntaryo namang sumuko sa Isabela Municipal Police Station (IMPS) ang suspek na si Pablo Talanas, magsasaka at residente ng Sitio Aguntihang, Bgy. Riverside.
Nabatid sa naantalang ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi noong Mayo 26 sa loob ng bahay ng maglolo.
Kasalukuyan umanong umiinom ng alak ang suspek nang dumating ang biktima at kuwentuhan siya nito ng kung anu-anong bagay na sinaway umano ng suspek.
Gayunman, hindi tumahimik ang biktima kaya nairita ang lolo at dinakma ang kanyang apo sabay hinampas ng dalawang ulit ang ulo nito sa pader bago sinakal.
Hindi pa umano nakuntento ang lolo at binusalan pa nito ang bibig ng bata upang hindi makasigaw at sinaksak ng barbeque stick ang puwit.
Nang makitang wala nang malay ang bata ay binitbit ito ng suspek at dinala ang katawan sa tabing- kalsada at doon iniwan na nadiskubre naman ng ilang kapitbahay.
Itinanggi pa ng suspek ang krimen subalit, kalaunan ay inamin din nito at sinabing nakulitan umano siya sa kanyang apo kung saan hindi na siya nakapagpigil at nagawa ang krimen.
Sinampahan na ng kasong murder in relation to child abuse ang suspek.





Comments