4-COCK GRAND FINALS NA SA WSC 2, 9-COCK DERBY


KASADO ang dalawang araw na championship rounds ng World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby ngayong Biyernes, May 31 at Linggo, Hunyo 2 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum. Kasali sa 4-cock finals ngayon ang mga umiskor ng 2, 2.5, 3 at 3.5 points habang sa Linggo ang may 4, 4.5 at 5 points (4-cock grand finals). “It’s still anybody’s race at this point and a participant can wrest the championship with four more victories,” ani Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano.
Sa 2018 World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby, 7.5 puntos lamang ang iskor nina Rey Briones ng Masbate at Rod Advincula ng Bulacan (Green Gold Uno) na itinanghal na solo champ. Nangunguna sina Rey Canedo ng Team Excellence at baguhang si Atty. Henry Tubban ng Ilocos nang umiskor ng 5-0 (panalo-talo) tungo sa grand finals sa Linggo. May 4 panalo sina Doc Ayong Lorenzo/Manny Berbano, Nene Araneta, Felix at RC Gatchalian, Jervy Maglunob, Mauro Prieto/Rey Briones, Emil Tiu, Anthony Lim, Frank Berin, Louie Tulang, Randy Rabadon, Eslabon at Escolin Brothers at Honey Yu. Mga isponsor ang Thunderbird at Emperador habang media partners ang PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, at iba pa. Ang tiket ay sa TicketNet outlet (Yellow Gate ng Araneta Coliseum). (ATD/MC)





Comments