3 tiklo sa bala at droga

TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation of firearms and ammunition sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni District Special Operation Unit Head PLt. Melito Pabon ang mga naarestong suspek na sina Michael Villareal, 42; Benedicto de Guzman, 45, at Jaime Gonzales, 50.
Batay sa ulat, ala-1:00 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba sa pangunguna ni PLt. Pabon ang operasyon kontra sa mga suspek sa P. Castillo St., Bgy. 24.
Matapos iabot ng mga suspek ang 10 bala ng 12 gauge shotgun sa isang undercover police kapalit ng P500 marked money, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka inaresto sina Villareal, De Guzman at Gonzales.
Ayon kina PCpl. Mark Jhovie Sale at Pat. Josefino Estacio, narekober kay Villareal ang isang sachet ng shabu na nasa P15,000 ang halaga at buy-bust money habang nakuha naman kina De Guzman at Gonzales ang apat na sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.





Comments