Senate Pres. Sotto, nanganganib na mapatalsik sa puwesto, hmmm...

'TITO' SOTTO, PATATALSIKIN BILANG SENATE PRESIDENT? —Maugong ang balita sa Senado na ang mga nanalong kandidato sa partido ni Mayor Sara Duterte ay nagpaplano raw patalsikin sa puwesto si Senate President Vicente 'Tito' Sotto III.
May pakampa-kampanya pa noong eleksiyon si 'Tito' Sen sa mga “manok” nina P-Duterte at Mayor Sara, ‘yun pala ang mga ikinampanya niya ay ang mga sisipa sa kanyang puwesto sa Senado, aray!
◘◘◘
PAGHINGI NG SORRY NI JIMMY BONDOC, HINDI BUKAL SA LOOB—Ang paghingi ng paumanhin ni Jimmy Bondoc sa grupo ni Angel Locsin na nasaktan sa post niyang happy siya kapag nagsara ang malaking TV network (ABS-CBN) ay maituturing na hindi bukal sa kanyang kalooban.
Matapos kasi siyang humingi ng paumanhin ay nagpasaring siya na kesyo wala raw siyang laban sa mga sikat na bumabatikos sa kanya dahil isa lang daw siyang hamak na gov’t. employee, boom!
◘◘◘
PAGPAPAKA-‘UNDERDOG’ NI JIMMY BONDOC, SABLAY—Sablay ang pagpapaka-underdog ni Jimmy Bondoc sa atake sa kanya ng mga taga-showbiz, journalist at publiko na ayon sa kanya ay isa lang daw siyang hamak na gov’t. employee.
Hindi naman engot ang mamamayan para maniwala sa kanya na isa siyang hamak na gov’t. employee kasi isa siya sa mga high ranking official ng gobyerno, period!
◘◘◘
‘OUST DUTERTE MOVEMENT’, FAKE NEWS!—Pinabulaanan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na may “Oust Duterte Movement” dahil wala raw silang natatanggap na intel report tungkol dito.
Kung ganu’n, fake news pala ang ibinabalandrang “Oust Duterte matrix” sa publiko ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, boom!





Comments