Pusher tepok sa drug-bust
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Mamatid, Cabuyao City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Aquilino Catimbang, nakatira sa Calamba City sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Catimbang, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga tauhan ng pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments