MAKASABOG-BAGANG LE TOUR DE FILIPINAS, START SA TAGAYTAY


APAT na local teams sa pamumuno ng pambato ng bansa sa 10th edition ng International Cycling Union (UCI)-Sanctioned Le Tour de Filipinas ang pepedal sa malamig na lugar ng Tagaytay City hanggang sa kahali-halinang lugar ng Mayon Volcano na papatapos ang pagsikad sa bulubunduking bahagi ng Sorsogon sa Hunyo.
Ang Category 2.2 race, na inorganisa ng Ube Media Inc., ay isang five-day bikefest mula Hunyo 14 hanggang 18. May 75 riders mula sa15 teams ang mag-uunahan sa pedalan kung saan may apat na local squads ang makikipagtagisan sa malalakas na international cyclists.
Mas mahalaga ang pedalan na ito sa Pinoy riders dahil dito sila magkakaroon ng tsansa na makakuha ng qualifying points para sa pag-asa sa Olympics. ”It’s the 10th year and like in the previous editions, the riders will face challenges the elements offer, thus squeezing out the best of the best in the sports spectacle on two wheels,” saad ni Le Tour de Filipinas chairman, Donna May Lina sa press conference noong Martes sa Pasay City hotel.
Ang Stage One ay sisimulan sa Tagaytay City na may 129.5-km na balikan. Bibiyahe ang mga siklista sa Lucena City at doon na matutulog bago sasabak sa makasabog bagang 194.9-km Pagbilao to Daet, Camarines Norte, Stage Two. (VA/MC)





Comments