JEBEL ALI, PATOK

ANIM na karera lamang ang aalagwa ngayong gabi sa “Additional One Win in Group Race” sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Sa anim na karerang tatakbo, dalawang kabayo ang ipinapatok sa pagsisimula ng Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa condition race na magsisimula sa ganap na 6:45 ng gabi.
Sa race 1, mag-uumpisa ng Pick 6 at pinapaboran ang Blind Item at Moon Fire habang ang Case Bell at Lucky Saver ay may panalo.
Magsisimula ang Pick 5 sa Race 2 kung saan maglalaban-laban ang mga kalahok sa Group Race (10), ipinapatok ang Jebel Ali habang ang Tenseventeen at Princess Tin ang pinagpipilian na panegunda.
Pinagpipilian ang mga kalahok na Faith Into Action, Be The One, Warrior Flame, The Catalyst at Digame sa Group Race (9) sa Race 3. Sa Race 4, ipinapatok ang Breaking News, habang ang Don’tunderestimate, Yes All Wee Bet at Since When ang tatalo.
Sa mga kalahok, binibigyan ng malaking panalo ang Marino ng Tanglaw na bagong baba sa grupo at magsisilbing kalaban ang couple entry na Face Value, Apo Moon at Gee’s Delight.
Magsisilbing paratingan sa Pick 6, Pick5 at Pick 4 ang Wild Talk, Speak Easy at Apple Du Zap at isama sa talaan ang dehadong Storm Apo.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Blind Item (4) Moon Fire (3) Race 2- Jebel Ali (7) Race 3- The Catalyst (7) Faith In Action (1) Race 4- Breaking News (2) Since When (4) Race 5- Marino ng Tanglaw (4) Entry No.5 Race 6- Speak Easy (4) Wild Talk (2)





Comments