top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aktres, after mag-emote sa socmed ng away nila… AIKO, NAHIMAS NA NG BF NA VICE-GOV., LOVING-LOVING U

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2019
  • 1 min read

BATAY sa latest post ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook account, back in each other’s arms na sila ni Zambales Vice-Governor Jay Khonghun. Napaka-sweet ng picture nila na kuha sa Las Vegas, USA.

Bago pa ito, may naunang post si Aiko na hindi naman siya naghahanap ng isang perfect love. At base na rin sa latest post niya, sa gitna raw ng mga trials at challenges ay nanaig pa rin ang pagmamahal.

Ibig sabihin ay sumunod si VG Khonghun kay Aiko sa USA at sinuyo siyang muli, kaya naayos ang kani­lang naging problema. Kaya naman, kulay rosas muli ang mundo ni Aiko at super inspired.

Maging ang mga anak ni Aiko ay natutuwa na muli silang nagkasundo ni VG Jay. Malapit na rin sa pulitiko ang mga anak niya at nakakapagpalitan sila ng mensahe via text.

Payo naman ng malalapit na kaibigan ni Aiko ay huwag na niyang pakawalan si VG Jay. Siya ang nagpakahirap na ikampanya ito kaya dapat lang na siya ang kilalaning first lady ng nasabing pulitiko.

Well, happy na ang love life ni Aiko, bongga pa ang career niya dahil kasama siya sa bagong serye ng GMA Network na malapit nang umpisahan. Nagka­sunud-sunod pa ang kanyang acting awards.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page