3 tulak, dedbol sa pulis

TATLONG hinihinalang drug pushers ang patay sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad laban sa ipinagbabawal na iligal na droga sa Laguna.
Unang nasawi ang suspek na si Nelson Pamplona alyas Biso, ng Bgy. Maunong. Calamba City, alas-4:20 ng hapon matapos umanong makatunog at nakipagbarilan sa mga awtoridad.
Sinundan naman ng suspek na si Roderick Fortuno alyas Tabise, ng Innovation Village, Bgy. Pooc, Sta. Rosa, alas-9:50 ng gabi, makaraan ding magpositibo nang pagbentahan ang police asset saka nakatunog hanggang sa manlaban sa pulisya.
Dead-on-arrival naman sa ospital ang huling suspek na si Gerbert Verde alyas Bet, ng NIA Rd., Bgy. Gulod, Cabuyao City.
Ala-1:50 ng madaling- araw nang makahalata umano itong pulis ang kanyang kausap hanggang sa bumunot din ng kanyang baril at pinaputukan ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu, buy-bust money at baril.





Comments