POC PREXY VARGAS, LILINAWIN SA TOPS ANG SIBAKAN BLUES


PANGUNAHING paksa ang kontrobersiya sa Philippine Olympic Committee (POC) sa 24th edition ng “Usapang Sports” na ihahatid ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes, May 30 sa National Press Club sa Intramuros.
Inaasahan na ang Top POC officials ay magbibigay linaw sa kontrobersiya sa panahon na abala ang bansa sa paghahanda para sa idaraos na 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nob. 30-Dis. 11.
Noong Lunes, nagawang ipatanggal ni POC president Ricky Vargas sa mainitang general assembly ang karibal na si dating POC head Jose “Peping” Cojuangco at iba pang high-ranking officials na kinokonsidera siyang “an interloper and outsider.”
Ang 10 a.m. public service program ay hatid ng Philippine Sports Commission, National Press Club at PAGCOR, kung saan first public appearance ito ng POC officials mula nang mangyari ang kontrobersiyal na general assembly. Inalis ni Vargas dahil sa umano’y “losing his trust and confidence” sina Joey Romasanta at Monsour del Rosario, na tinanggalan ng papel bilang Chef de Missions ng 2020 Tokyo Olympics at 2019 SEA Games, maging sina Robert Bachmann at Richard Ho, na sinibak din bilang membership committee chair at deputy CDM.
Ang apat ay kilalang kaalyado ni Cojuangco, na natalo kay Vargas sa mainitang eleksiyon sa governing sports body noong 2018. (MC)





Comments