top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MIGHTY SPORTS, SASABAK SA WILLIAM JONES CUP

  • A. Servinio
  • May 29, 2019
  • 1 min read

KAKATAWAN sa pangalawang pagkakataon ang Mighty Sports para sa 41st William Jones Cup sa Hulyo 11 hanggang 21 sa Chinese-Taipei. Naiuwi ng koponan ang kampeonato sa prestihiyosong taunang torneo noong 2016 kung saan winalis nila ang lahat ng kanilang walong laro at gusto nilang maulit ito.

Dalawa lang sa players noong 2016 ang babalik sa katauhan ni Fil-Am guard Jason Brickman at import Zachary Graham. Maraming bagong mukha ang lalaro upang maibalik ang korona sa Pilipinas sa pangunguna ng dating PBA player Joseph Yeo at Gab Banal, Fil-Ams na sina Roosevelt Adams, Jeremiah Gray, Michael Williams, Aaron Black at Angelo Wongchuking.

Si Charles Tiu ang head coach kasama ang dating Gilas Pilipinas head coach Rajko Toroman bilang consultant. Ayon kay assistant team manager Coach Jessie Angchonghoo, naghahanap pa ng dalawang players para makabuo ng 13 na tutulak pa-Taiwan.

Para kay veteran Yeo, ito na ang pagkakataon na matulungan ang team at gabayan ang mga bata. “Ito ay para sa bayan kaya mahirap humindi,” wika ni Yeo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila.

“Mahirap na ihambing kami sa koponan noong 2016 kasi anim ang import noon at ngayon ay mas maraming Filipino at mas bata ang players,” dagdag ni Angchonghoo. “We also want to bounce back to signed imports who know Filipino basketball well.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page