Mga kostumer, shocked na shocked… JUDAY, NAGPUNAS NG MESA AT NAG-IGIB NG TUBIG SA BAGONG RESTO
- BULGAR

- May 29, 2019
- 1 min read

BUKAS na pala ang resto nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na pinangalanan nilang “Angrydobo” somewhere in Manila.
Nag-viral ang video kung saan nakunan mismo si Juday na siyang nag-waitress at ang anak na si Yohan ang naging tagalinis ng mesa.
Proof na hands-on talaga si Juday sa kanyang negosyo kaya tamang-tama lang daw ang tagline nito sa kanyang resto na “Made with love.”
She and her daughter Yohan were seen cleaning a table para makainan ng bagong dating na customers. Imagine, mismong si Juday ang nag-aasikaso sa customers nila.
Here’s what one fan says in her Twitter account.
“Guys, so, nagse-serve si Juday. Naglilinis po siya ng table.”
“We decided to spend our happy (Thursday) here at Angrydobo and Judy Ann is here and the queen is serving.”
Nagpakuha ng selfie ang isang customer sa aktres with this caption: “Favorite part of the night was Judy Ann screaming, ‘Huy, nakaabot kayo!!!’
“Kasi we told her na ang haba ng pila, baka ‘di kami makakain. Eto ‘yung tumakbo siya sa Army Navy para mag-igib ng tubig. Yes, she did that.”
Pang-ilan na nga ba sina Juday at Ryan sa mga celebrities natin na nag-venture into food business?
If we remember right, we have Sam Milby, Karla Estrada, Erwan Heussaff (asawa ni Anne Curtis), Richard Yap, Kris Bernal, JC de Vera, Alden Richards at Maine Mendoza.
Iisipin mong mga rich and famous na sila, but still, they look for a more stable career.





Comments