top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalaking dehins knows kung paano pagsasabihan ang kaibigang madalas na mag-rant sa FB

  • ROMA AMOR
  • May 29, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Miel, naba-badtrip ako sa best friend ko dahil madalas siyang mag-rant sa Facebook. Lahat na halos ng ka-badtrip-an niya sa buhay ay ipino-post niya sa social media. Hindi ko siya mapagsabihan dahil alam kong magdaramdam siya dahil nu’ng minsang pinagsabihan ko siya ay nangatwiran siya na sa palagay ko ay hindi tama. Nasa wastong edad na rin siya para makaunawa, pero hindi talaga maganda ang ginagawa niya. Ano ang magandang gawin para rito? — Miel

Miel,

Nakalulungkot na sa panahon ngayon ay la­hat halos ng nangyayari sa buhay ng karamihan ay ipino-post na sa social media. Walang magaga­wang maganda ang pagra-rant sa Facebook at iba pang social media sites. Pero, marahil nais lang ng kaibigan mo na may masabihan siya ng mga pinagdaraanan niya sa buhay kaya makatutulong kung maglalaan ka sa kanya ng mahabang panahon upang mag-open siya sa iyo ng sama ng loob. Sa paraang ito, maiiwasan na niyang mag-rant sa Facebook dahil nailabas na niya ang mga problema niya sa mapagkakatiwalaang tao. Kung saka­ling ginawa mo na ang parte mo bilang kaibigan at hindi pa rin niya itinitigil ang ganitong gawain, marapat na irespeto na lang natin ang kanyang desisyon. God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page