top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya todo-buyangyang na… JANINE, UMAMING GUMANDA ANG KATAWAN DAHIL KAY RAYVER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

HINDI talaga puwedeng sumama sa GF niyang si Janine Gutierrez sa biyahe nito sa New York si Rayver Cruz dahil noong isang araw, nag-storycon na ang bagong Afternoon Prime na pag­bibidahan ng aktor.

Sigurado namang na­­intindihan ni Janine kung mas pinili ni Ray­ver ang trabaho kesa bakasyon dahil professional din ang aktres.

Sa June 2 pa ang balik sa Pilipinas ni Ja­nine at ng mga kapatid na sina Jessica at Maxine. Baka that time, naka­pagsi­mula nang mag-taping si Rayver at ang ibang cast. Makakasama ni Rayver sina Megan Young, Kim Do­mingo at Kris Bernal. Kabilang din sa cast sina Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto at Boots Anson-Rodrigo.

Saka, kahit hindi magkasama sina Janine at Rayver sa New York, ramdam pa rin ng kanilang mga fans ang presence ng aktor at kinilig sila sa comment ni Rayver na “Wowza” sa photo ni Janine na naka-two-piece at ang sabi, kabilang ang litrato sa ipapakita niya sa mga future apo niya para raw makita na “cool” siya.

Ang sexy nga ni Janine sa nasabing litrato na kahit mga celebrities, napa-comment sa kaseksihan niya.

Sa isang interview, nabanggit ni Janine na 27 days lang ay na-achieve na niya ang abs niya at katulong niya si Rayver sa pagdyi-gym.

Naku, hindi kaya maraming girls ang magpasama at magpaturo kay Rayver ng proper way ng workout para magka-abs din sila gaya ni Janine?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page