Kanong pedophile arestado sa NAIA

ISANG pinaghihinalaang pedophile ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang nakikipagtagpo ito sa isang babaeng menor-de-edad.
Hindi na nakapalag ang American national na si Piotr Kmita, 43, nang arestuhin sa isang entrapment operation ilang minuto makaraang makarating sa Manila via China Eastern Airlines mula sa Pudong, China.
Ayon kay Bureau of Immigration Port Operations Division Chief Grifton Medina, lumabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act si Kmita.
Agad na inilipat sa kustodiya ng Philippine National Police women and children protection center sa Pampanga si Kmita kung saan ipinanganak ang menor-de-edad.
Ayon kay BI-NAIA Border Control and Intelligence Unit Head Bienvenido Castillo, humingi ng tulong ang US-Homeland Security Investigation (HSI) para i-monitor ang American pedophile makaraang madiskubre na nakikipag-usap ito sa isang menor-de-edad sa Pilipinas sa Facebook.
Aniya, binigyan ng impormasyon ng HSI ang PNP Regional Office sa Pampanga na sumama sila sa operasyon para ma-intercept ang suspek. Binigyan naman ng komendasyon ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga BI officer at miyembro ng pulisya sa pagkakadarakip sa foreign pedophile.





Comments