top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gapangan sa House Speakership | P1 MILYON KADA CONG.

  • Jeff Tumbado
  • May 29, 2019
  • 1 min read

AABOT umano hang­gang P1 milyon ang bayad sa bawat kongresista para makopo ng nag-aam­bisyong House Speaker ang posis­yon.

Ibinunyag ito ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kasabay naman ng umano’y pagkalat ng text messages tungkol sa imbi­tas­yon ng isa sa mga nakiki­pag­kumpitensiya para ma­sung­kit ang liderato ng Ma­babang Kapulungan.

Sinabi ni Alvarez na nag­simula na ang matinding gapangan bagama’t, sa Hulyo 22 pa ang pagpapalit ng mga lider bilang pam­bungad sa pagbubukas ng ika-18 Kongreso.

Ang bawat kongresista na mangangako na boboto ay tatanggap umano ng P500,000 at ang balanse ay ibibigay kapag nakuha na ang House Speakership.

Dismayado si Alvarez na may vote-buying sa Ka­mara na maaaring maglagay sa kompromiso ng integridad ng nasabing posisyon.

Gayunman, tumanggi si Alvarez na tukuyin ang kan­didato sa pagka-Speaker na gumawa ng umano’y panu­nuhol.

Kabilang sa maugong ngayong maglalabanan sa Speakership ay sina Rep. Lord Allan Velasco, Rep. Martin Romualdez, Rep. Alvarez at incoming Rep. Allan Peter Cayetano.

Samantala, kumalat na­man ang text messages mula umano sa tanggapan ni Rep. Velasco na nag-iimbita sa ilang kongresista na magtu­ngo sa isang gusali sa Pasig City sa Lunes para pag-usa­pan ang ilang mahahalagang bagay.

Umugong din sa Kamara ang umano’y pag-aalok ng P1 milyon sa bawat mamba­batas na popondohan ng kila­lang malapit kay Velasco na si San Miguel Corp. Presi­dent Ramon Ang.

Sinubukan ng BUL­GAR na makaugnayan si Velasco sa nasabing usapin ngunit, wala pang tugon ha­bang isinusulat ang balitang ito. Si Velasco umano ang gustong suportahan ni Da­vao City Mayor Sarah Du­terte sa House Speakership ngunit, nauna na ring sinabi ng alkalde na hindi maki­ki­alam sa usapin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page