Agawan sa speakership ng Kamara, tumitindi

AYAW makialam ni P-Digong sa bangayan sa speakership ng Kamara.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
NAUWI naman sa black propaganda ang girian ng mga kongresista.
Inakusahan si ex-DFA Secretary Peter Alan Cayetano ng pambu-bully sa mga partylist solon.
Pero, lumitaw na palsipikado ang ulat.
He-he-he!
◘◘◘
NILINAW ng pangulo ng Partylist Coalition Foundation, Inc (PCFI) na si Mikee Romero ng 1Pacman na wala itong katotohanan.
Iniulat kasi na sinabi raw ni Cayetano na kaibigan siya ng mga kongresistang sumusuporta sa kanya at kalaban naman siya ng ayaw sa kanya.
Ngek!
◘◘◘
INAMIN ni Romero na nakausap nila si Cayetano, pero maayos naman at “cordial” ang palitan ng mga kuru-kuro.
Hindi rin ginamit ni Cayetano ang pangalan ni P-Digong at nangako ito ng patas na pagtrato sa mga partylist solon sakaling maging Speaker!
◘◘◘
MAS makabubuting ayusin ang kampanyahan sa speakership at iwasan ang paninira.
Dapat nating maunawaan na nakasalalay dito ang ikatatagumpay ng mga programa ni P-Duterte sa huling 3 taon ng kanyang termino!
◘◘◘
NILAGDAAN na ni P-Digong ang RA 11310 na mas kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Tanda ito ng pagmamahal ni PRRD sa mahihirap na pamilya!
◘◘◘
IBINASURA ni ex-P-Noy ang naturang batas, pero binuhay ni P-Digong.
Ito ay batas na direktang nagkakaloob ng pinansiyal na ayuda sa hanay ng mga nagdarahop bukod pa ang libreng serbisyong medikal!
◘◘◘
PITONG taong singkad na ipatutupad ang conditional cash transfer.
Pero, inirekomenda ng National Advisory Council (NAC) na palawigin pa ang naturang programa!
◘◘◘
NAKATOKA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-review ng mga kuwalipikadong benepisaryo.
Nakahanda naman si P-Digong na kasuhan ang mga korup na opisyal na naglulustay ng naturang pondo!
◘◘◘
NAKALAAN ang P300 kada bata na naka-enroll sa day care center at elementary kada buwan.
May P700 naman kada bata na naka-enroll sa senior high school kada buwan.
Bukod ito sa P750 kada buwan para sa health and nutrition needs ng mga benepisaryo!
◘◘◘
DIREKTA ring ia-assist ng gobyerno ang mga benepisaryo upang magkaroon ng ikabubuhay.
Inaasahang lalong aangat ang popularidad ni P-Digong dahil sa paglagda ng batas sa 4Ps!





Comments