500 PLAYERS SA FRISBEE WHIRL’D CUP; VOLLEY AT BASKETBALL SA BEST CENTER
- MC / Alvin Olivar
- May 29, 2019
- 1 min read

USUNG-USO ang outdoor activities ngayon, hindi lang para makapag-relaks ang katawan at isipan sa panahon ng bakasyon, kundi upang magkaroon ng panahon kasama ng pamilya at mga kaibian.
Upang mahikayat ang mga Pinoy na maging aktibo pa at ma-enjoy ang malusog na estilo ng buhay, ang 2nd Jamba Juice Whirl’d Cup na may two-day mixed (co-ed) Ultimate Frisbee Tournament ay nagdaos noong Mayo 11-12 sa Ayala Alabang Country Club kung saan may 550 players at 27 teams ang lumahok sa torneo na nagbukas para sa first-timers, regulars at veteran players at walang age limit.
Bukod sa matches, ang mga ultimate regulars at bagong players ay nasubukan sa kanilang athletic prowess at todong pinagpawisan sa Whirl’d Cup Skills Challenge Games.
Ang Whirl’d Cup na rin ang simula sa mas ultimate, fast-paced, no-contact sport na kailangan lang ng isang disc at maluwag na espasyo para makapaglaro. Dumarami na rin ang nahihilig na Pinoy sa frisbees mula noong 200’s.
Samantala, muling idaraos sa Ateneo covered courts ang volleyball at basketball classes ng multi-awarded Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa Hunyo 4-15 para sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado mula 8-11:30 a.m. Ang basketball clinics ay para sa mga estudyante ng Preparatory Level at Levels 1, 2, 3 at 4. Ang Levels 1, 2 at 3 para sa volleyball.





Comments