2 driver patay sa sunog

TODAS ang dalawang drivers matapos ma-trap sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ni Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktima na sina Jaysa Abedra, 31, at Aly Ja Rabda, 37, kapwa driver ng CM Recto Ave., Sta. Cruz, Manila.
Nakalabas na ng bahay si Ja Rabda pero, bumalik ito para kunin ang kanyang pasaporte dahil nakatakda itong umalis papuntang Saudi Arabia.
Alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa tinutuluyang tatlong palapag na apartment na pag-aari ng Hallmark Realty Group.
Ayon kay Fire Marshall FCInsp. Rossiv Cante, umabot sa ikalawang alarma at tuluyang idineklarang fireout, alas-9:07 ng gabi.
Aabot naman sa P100,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.
Patuloy namang inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.





Comments