Todo-hingi ng tulong sa mga netizens kontra sa ABS-CBN… SIGAW NG MADLANG PIPOL: JIMMY, PA-VICTIM!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUNG nagpakumbaba na at humingi na ng tawad ang singer na si Jimmy Bondoc sa mga sikat na artistang nasaktan niya dahil sa binitiwan niyang pahayag kontra sa ABS-CBN, tuluy-tuloy pa rin ang ginagawa niyang pagbuwelta at pagkondena sa malaking network na tinukoy niya sa kanyang FB post.
Sa latest FB post ni Jimmy, muli siyang bumanat sa ABS-CBN at sinabing panoorin ng lahat kung paano siya sisiraan ng Kapamilya Network.
Aniya, “Next: WATCH how they will DIVIDE AND CONQUER us. Just WATCH!
“Panuorin n’yo kung papaano WASAKIN ng network ang buhay ko. JUST WATCH. Learn!
“Ok lang ako mawasak! But please, LEARN!!”
Dagdag pa niya, “ARE YOU WATCHING? Panuorin n’yo ha? Step by step. Watch how a network METHODICALLY ruins a man. Look. Pati ang mga ginagamit nilang tao, HINDI ALAM na sila nagagamit.
“JUST WATCH, ok? Watch, learn. Be aware. ‘Di bale na ako. I’m done anyway. I don’t care. WATCH. TAKE NOTES.”
Well, hindi naman ito umepek sa mga netizens na nakabasa sa post dahil mukhang nakuyog ang singer at nakatanggap ng pambabatikos.
Narito ang ilang comments ng mga netizens:
“Pa-victim naman ngayon. Ikaw nag-start. Ikaw ang nag-divide. Sa true lang.”
“Just a couple of days ago ikaw ‘yung mayabang na nagdidikta na magpapasara diumano ng network, ngayon inaapi ka nila??”
“Baka may ipinaglalaban itong si Jimmy kaya ganyan s’ya katapang. Baka may pinanggagalingan. Baka nga may nangyari. Malay natin.”
“Mawawasak ka talaga, eh, ikaw una nag-umpisa, hindi naman ginagamit ang artista para durugin ka, tumatanaw ng utang na loob ang mga artista at grateful sila unlike you.”
“So, ano na, ikaw na ba victim? Pasimuno ka d’yan na you will be happy seeing them fall, nakuyog ka, ikaw pasimuno, ngayon, ikaw na (ang) victim?”





Comments