PARKS, HINDI TSAMBA ANG GOOD GAME SA PBA OPENING
- Alvin Olivar
- May 28, 2019
- 1 min read

PARA kay Bobby Ray Parks Jr., hindi tsamba ang magandang simula ng kanyang koponan sa PBA Commissioner’s Cup.
Mainit ang simula ng Blackwater matapos makuha ang kanilang pangatlong sunod na panalo.
Tinalo ng Elite ang Columbian noong Linggo, 118-110, upang mapanatili ang kanilang malinis na kartada. “We are for real. We are for real. That’s something I can say. We are for real,” wika ni Parks Jr. noong Linggo sa isang panayam ng mga mamamahayag matapos ang kanilang laro kontra sa Dyip.
Ayon kay Parks, ang kanilang paghihirap sa kanilang preparasyon sa Commissioner’s Cup ay nagsisimula nang magbunga sa pagtala nila ng kanilang pangatlong panalo. “It goes to show the hardwork we put in. We are young. It’s a different type of Blackwater right now. These games, they are no fluke. We took teams down the wire. It just happened that the breaks of the game came our way. Those are great teams. It’s a testament to the hardwork. From the coaches, ballboys, to us and management. We are reaping the benefits,” saad ni Parks.
Umiskor si Parks ng 23 points sa laro kontra sa Columbian. Ito na ang pangatlong sunod na pagkakataon na gumawa ng mahigit sa 20 points si Parks ngayong conference. Ngunit nilinaw ni Parks na hindi siya nag-iisang dahilan sa mga panalo ng Blackwater.
“It’s not just about me. Everybody is doing their part. That’s what I said on the bench. It’s not just one person. Hopefully, we can continue to grow, contribute, and build our character,” ani Parks.





Comments