top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagbabayad ng installment sa insurance policy

Writer: BULGAR
BULGAR
May 28, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Mayroon kaming dala­wang sasakyan at pinare­rentahan namin ang isa upang may dagdag-kita. Taun-taon kaming kumu­kuha ng insurance para sa aming mga kotse. Ang problema, kamakailan, nakabangga ang anak ko gamit ang isa sa mga sasakyan namin. Nais kong malaman kung puwede ba kaming mag-claim sa nasabing insurance kahit hindi pa namin nababayaran nang buo ang premium ngayong taon? — Adrian

Dear Adrian,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay ng Korte Suprema sa kaso ng Makati Tuscany vs. Court of Appeals (G.R. No.95546, November 6, 1992) na isinulat ni da­ting Mahistrado Josue N. Bellosillo kung saan ipinaliwanag na:

“We hold that the subject policies are valid even if the premiums were paid on installments. x x x Such acceptance of payments speaks loudly of the insurer’s intention to honor the policies it issued to petitioner. Certainly, basic principles of equity and fairness would not allow the insurer to continue collecting and accepting the premiums, although paid on installments, and later deny liability on the lame excuse that the premiums were not prepared in full.

x x x. Section 77 merely precludes the parties from stipulating that the policy is valid even if premiums are not paid, but does not expressly prohibit an agreement granting credit extension. So is an understanding to allow insured to pay premiums in installments not so prescribed.” [Binigyang-diin.]

Sang-ayon sa nabang­git, itinuturing ng batas na balido ang inyong insurance policy kung kayo ay nakapagbayad na ng isa o mahigit pang bahagi o installment ng premium sa inyong insurance policy.

Dahil dito, kahit hindi pa ninyo nababayaran ang kabuuang premium ng inyong insurance policy, maaari pa rin kayong makakuha o makapag-claim kung ang aksiden­teng naganap ay sakop ng inyong nasabing insurance policy.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisa­laysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mai­nam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page