P-Digong, oks lang makatulog basta nagigising siya

ARAW-ARAW nang umuulan.
Pero, ang Angat Dam, tuyot pa rin.
Hindi kaya butas na ang dike?
◘◘◘
BISTADONG maka-LP si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Tumaas agad ang kanyang ere!
◘◘◘
IBABAWAL na ang pagsasakay at pagbababa ng provincial bus sa EDSA.
Talaga?
◘◘◘
AMINADO ang Malacañang na nakatulog si P-Digong.
Anong problema?
Ang mahalaga ay nagigising pa siya!
◘◘◘
SA totoo lang, limitado na ang kilos ni P-Digong.
Hindi naman ipinagbabawal sa Konstitusyon ang isang pangulo na laging “tulog”.
Ang mas delikado ay “yung hindi natutulog”!
◘◘◘
BIGLANG sumikat si dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Kasi tinulungan niyang magtago ang mga Hudyo sa Pilipinas laban kay Adolf Hitler!
◘◘◘
MALINAW na hindi kailangang mtakot ang mga Pinoy sa kahit sinumang pinakamakapangyarihang lider ng daigdig.
Hindi nalalayo rito ang pagmumura ni P-Digong kay Barrack Obama!
◘◘◘
TUTUNGO si P-Digong sa Japan.
‘Yan na ang delikado!
◘◘◘
KAILANGANG mamahinga na lamang si P-Digong.
Kailangan niyang umiwas sa stress!





Comments