HELTERBRAND AT ANDERSON NEXT STAR POWER SA IMUS?
- BULGAR

- May 28, 2019
- 1 min read

HINDI rin pala tapos si Gerald Anderson sa paglalaro ng competitive basketball. Matapos na umalis ang aktor sa nakaraang team sa Marikina Shoemasters, handa na si Anderson na maglaro para sa Imus Bandera sa next season ng Maharlika Pilipinas Basketball League. Kung hindi naman sapat ang presensiya ni Anderson upang makahatak ng fans sa venue, siguradong si Jayjay Helterbrand ang tiyak na magiging top drawer ng Cavite Club sa liga. Ayon kay Budds Reyes na bagong Imus coach, nagpapraktis na ngayon si Helterbrand sa team at inaayos na ang kanyang kontrata.
“Kondisyon pa. Nagulat nga kami, OK pa,” sabi ni Reyes hinggil sa dating PBA MVP. “Especially kung itong level lang na ’to, I’m sure iba ’yung experience niya. Top caliber player siya, champion pa.”
Ang dahilan kung bakit nais ng Imus sina Anderson at Helterbrand bukod sa kanilang box office appeal, pareho silang angkop sa pilosopiya ng laro ni Reyes. “Personally, interesado ako kay Gerald kasi bumubuo ako ng mga guards na umaatake,” saad ni Reyes. Sinabi ni Reyes na walang kapaguran sa trabaho si Anderson at handang matuto.
“Everybody knows magaling dumepensa ’yung bata, pero nu’ng bandang huli nakikita ko nakukuha na niya — duma-drive na, tumitira na,” saad ni Reyes. “Mahirap ’yun for a player who focuses on defense and then contributes sa offense. Nu’ng una, kapag nakikipagpalitan siya ng mukha sa defense, makikita mo ’pag oopensa siya, kapos ’yung tira. Pero after a while, siguro nakukuha na ’yung (rhythm), naging OK na siya over time.” Ang MPBL ay magbubukas sa Hunyo 12. (MC)





Comments